ASKI Foundation, Rotary Club-Talavera at WADAKA, nagsagawa ng talakayan at site visit para sa Giant Bamboo Propagation Dalawang aktibidad ang isinagawa ng ASKI Foundation sa Barangay Capintalan, Carranglan Nueva Ecija kaisa ang mga partner organizations nito gaya ng Feed My Starving Children, ADP Pharma, Rotary Club, Capintalan Barangay Council at WADAKA IP Group. Unang isinagawa sa Barangay Hall ang paglulunsad ng Feeding Program gamit ang Manna Pack Fortified Rice na kaloob ng Feed My Starving Children kasabay ng pagbibigay ng mga vitamins gaya ng Propan TLC mula sa ADP Pharma. Nagkaloob din ng suporta ang Rotary Club-Talavera para sa mga itlog na kasamang inihain sa mga bata. Sa kabuuan ay may 70 bata ang nabahagian ng programa kasama na rin ang mga magulang nito. Samantala, nagkaroon ng pagpupulong ang grupo ng ASKI Foundation, WADAKA at Rotary Club kasama ang LGU-Carranglan MENRO at Office of Vice Mayor Eric Manucdoc para sa ilulunsad na proyektong Giant Bamboo Propagation na sisimulan ngayon buwan ng Agosto. Ang proyekto ay bahagi pa rin ng programa ng ASKI Foundation ang Kalinga sa Kalikasan, Kabuhayan Sa Komunidad (K4) Program na kung saan layunin nato na makapagtanim ng mga puno at makatulong sa kalikasan at gayun din ang magkaroon ng kabuhayan ang mga mamamayan ng naturang lugar sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga kawayan matapos ang limang taon at anihin ito. Nagpahayag naman si Vice Mayor Eric Manucdoc ng pasasalamat para sa kanilang mamayan at nangako ng suporta para sa proyekto. Nakalaan magkaloob ang Rotary Club-Talavera ng dalawang libong (2000) seedlings sa pagsisimula ng proyekto. Sa mga organisasyon na nagnanais makatuwang ang ASKI Foundation, maari pong makipag ugnayan sa aming opisina o sa sinumang empleyado ng aming organisasyon. Maraming salamat po.