Nagsagawa ng orientation ng mga programa at serbisyo ng ASKI sa higit kumulang na 100 mga magulang ng mga estudyante ng Red Cross Elementary School sa Brgy. Joson, Carranglan. Katuwang sa isinagawang orientation ang ASKI Microfinance na nagbahagi ng impormasyon sa iba't ibang loan and insurance programs ng ASKI sa pangunguna nina Mr. James Mariano, Area Manager Nueva Ecija North at Mr. Jojo Calderon, Branch Manager ng Carranglan. Nakiisa at nagbigay suporta sa orientation sina Ms. Jane Manucdoc, ASKI Microfinance Executive Director at Ms. Divinagracia Santos, ASKI Vice President for Operations. Kasama sa nagbigay ng orientation ang ASKI Mutual Benefit Association (ASKI MBA) na pinangunahan ng Ms. Emie Quijano, ASKI MBA CEO, at Mr. Jun Corpuz, Area Coordinator na ibinahagi ang programa at benepisyo ng pagkakaroon ng insurance ng buong pamilya. Kasabay ng naganap na pagbabahagi ng impormasyon sa mga programa ng ASKI ay ang edukasyon patungkol sa recyclable waste na bahagi ng environment program ng ASKI Foundation, ang "Trees from Trash Project". Ipinaliwanag at hinikayat ni Mr. Froilan Gutierrez, ASKI Foundation Manager ang mga magulang na makiisa sa nasabing programa sa pamamagitan ng pagdadala ng mga PET bottles, at mga ilan sa mga bagay na pwede i-recycle. Ang mga mabebenta na recyclable waste ay magagamit sa mabibili na seedlings ng puno na itatanim sa napiling tree planting site. Lubos ang pasasalamat ni Ms. Lee Serquinia, School Principal ng Red Cross Village Elementary School na maging bahagi ng programa at serbisyo ng ASKI. Samantala habang isinasagawa ang orientation, masayang nagtulong ang ilan sa mga magulang at guro sa paghahanda ng snacks para sa mga magulang na dumalo sa orientation.