Muling nagbigay ng saya at pagmamahal ang ASKI Foundation sa pangunguna ng Founder and President ng ASKI Group na si Mr. Rolando Victoria, sa mga katutubong Ayta sa Barangay Inararo, Porac Pampanga. Ang naturang paghahandog ng mga pagkain para sa 230 bata at pagbibigay ng bigas sa 200 pamilya ay naisakatuparan sa kabutihang loob ni Mr. Marciano at Mrs. Claudia Abesamis. Nagpasalamat naman si Kap. Benzon King na aniya ay maituturing na nilang pamilya ang ASKI sapagkat marami nang programa ang naisagawa sa kanilang lugar. Malaking tulong aniya sa kanyang mga kababaryo ang mga programa ng ASKI at hinimok din nya ang mga dumalo na maging miyembro ng nito.